Martes, Marso 22, 2011

Kinadenahang Lapis at Papel

Man is born free, but is everywhere in chains…” -- Jean-Jacques Rousseau

Tunay ngang bawat isa’y malayang pinanganak, subalit sa bawat isa’y may nakataling responsibilidad.

Kalayaan. Responsibilidad. Batas. Tatlong bagay na tila isang kadenang magkakauganay. Na maaring magdulot ng hindi kanaisnais na bunga sa oras na magkahiwahiwalay.



Ano at Sino?

“Freedom is the will to be responsible to ourselves,” wika ni Friedrich Nietzsche, isang pilosopo. Samantalang ayon naman kay  Brigham Young, nangunguna sa mga gawaing pangsimbahan, “True independence and freedom can only exist in doing what's right.” Magkaibang pahayag ng mga tanyag na pangalan ukol sa tunay na kalayaan na kanilang nakamtan. Subalit paano ba mapangangalagaan ang tunay na kahulugan ng kalayaan?

Sa kabilang banda, silang may malalakas ang loob, walang inaalalang kahihiyan, at makapaglingkod ang tanging nasa isipan, sila ba ang may matuwid na kalayaan? Na laging napagkukunan ng impormasyon sa bawat pangyayaring nagaganap? At laging kumakaharap sa mga taong nasa makintab  na upuan ng kapangyarihan upang ipaliwanag ang sinasabing katiwalian at butas ng kamalian? Sila na walang takot makisama sa mga armadong militar at rebelde. Mga taong walang pagod sa pagtatanong ng mga bagay bagay sa iba’t- ibang lugar. Ang mga taong nasa ilalim ng sangay ng pamamahayag, sila ba ang nasa kalayaan?

Ayon kay Pranab Hazra, isang mamamahayag sa bansang India, ang tunay na responsibilidad ng isang mamamahayag ay ang pagbabalita o pagsasalaysay ng mga realidad na bagay na nakikita ng bawat isa at hindi gawa gawa lamang. Mga tunay na pangyayari sa kahit anong aspeto ng buhay tulad ng relihiyon, kaugalian at iba pa. Subalit maingat na pamamahayag ang dapat isaalang-alang sa mga sensitibong bagay tulad ng ilan sa mga ito.

Paano?

Responsibilidad. Mga kaukulang pagkilos o aksyon sa isang bagay na naiatas sa isang tao. Ayon kay Anna Eleanor Roosevelt, kabiyak ng dating pangulo ng United States of America, Franklin Delano Roosevelt, “Freedom makes a huge requirement of every human being. With freedom comes responsibility. For the person who is unwilling to grow up, the person who does not want to carry is own weight, this is a frightening prospect.” Sinasabing ang kalayaan ay may nakaaabang na mabigat na responsibilidad na dapat isaalang-alang ng bawat isa. At ayon naman sa isang mang-aawit na si Bob Dylan, "A hero is someone who understands the responsibility that comes with his freedom." Na sa madaling salita, ang siyang tunay na nakakaalam ng responsibilad lamang ang may tunay na kalayaan.

Bakit?

Pagsunod sa kaukulang batas at responsibilidad ang siyang dapat matyagan ng kahit sino sa kahit anong propesyon sa pagsasagawa ng trabaho ang isinasaad ng propesyonal na reponsibilidad. Ang pagsunod sa mga regulasyong itinakda ng nakatataas at pagsasaalang-alang ng kapakanan ng mga makakakita o makakatanggap ng resulta ay dapat pangalagaan. Inilalabas ang tunay na impormasyon at isinasagaw ang kaukulang tungkulin.

Dahil ang bawat maling gawain o pahayag na naibulalas ng basta-basta ay may nakaambang na kaparusahan na saklaw ng mga batas. Mga paglabag tulad ng paninirang-puri ang maaaring iparatang sa taong nakagawa ng ganitong pangyayari.


Subalit ang bawat propesyon tulad ng pamamahayag ay may mga pangakong sinusumpaan sa pagsabak sa kanilang propesyon. Mga pangakong hindi dapat labagin o suwayin. Pangakong magbabasbas sa malinis, tama at malayang pamamahayag.

Ito ang tunay na kumakatawan sa malinaw na kahulugan ng kalayaan. Kalayaan na pinupuluputan ng mabigat na responsibilidad at matatag na batas. Kalayaan na siyang pinaglalabang makamtan ng bawat isa subalit iilan lamang ang tunay na nakakaalam. Silang may matibay na paninindigan ang siyang may tunay na karapatan.

“Most people do not really want freedom, because freedom involves responsibility, and most people are frightened of responsibility.” -- Sigmund Freud

Pinagkunan:

Unang Larawan:


Ikalawang Larawan:


Ikatlong Larawan: